Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Select Readings

802 talata · 47 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita,

  2. Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

  3. Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:

  4. Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.

  5. Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.

  6. Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;

  7. Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap, at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.

  8. At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.

  9. Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.

  10. Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.

  11. Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.

  12. At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.

  13. At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang sa mga tanikalang ito.

  14. At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:

  15. At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.

  16. At sinabi ni Agripa kay Festo, mapalalaya sana ang taong ito, kung hindi naghabol kay Cesar.

  17. Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.

  18. At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

  19. At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

  20. Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

  21. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;

  22. Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

  23. Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

  24. Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

  25. Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;