Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Red Sea: Israelites camp by

10 talata · 6 aspeto

Mga talata tungkol sa Israelites camp by

  1. Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.

  2. At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.

  3. Ngayon nga'y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

  4. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.

  5. At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.

  6. At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin.

  7. Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

  8. Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir.

  9. At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,

  10. Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.