Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Purification

100 talata · 13 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.

  2. At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis.

  3. Bawa't higaang mahigan ng inaagasan ay magiging karumaldumal: at bawa't bagay na kaniyang kaupuan, ay magiging karumaldumal.

  4. At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  5. At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  6. At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  7. At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis, ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  8. At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan, ay magiging karumaldumal.

  9. At ang alin mang taong humipo ng alinmang bagay na napalagay sa ilalim niyaon, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: at ang magdala ng mga bagay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  10. At yaong lahat na mahipo ng inaagasan na hindi nakapaghugas ng kaniyang mga kamay sa tubig, ay maglalaba nga rin ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  11. At ang sisidlang lupa na mahipo ng inaagasan, ay babasagin: at ang lahat ng kasangkapang kahoy ay babanlawan sa tubig.

  12. At kung ang inaagasan ay gumaling sa kaniyang agas, ay bibilang siya ng pitong araw sa kaniyang paglilinis, at maglalaba ng kaniyang mga damit; at paliliguan din niya ang kaniyang laman sa tubig na umaagos, at magiging malinis.

  13. At kung ang sinomang tao ay labasan ng binhi ng pakikiapid, ay paliliguan nga niya ng tubig ang buong kaniyang laman, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  14. At lahat ng damit at lahat ng balat na kinaroonan ng binhi ng pakikiapid, ay lalabhan sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang hapon.

  15. Ang babae rin namang sinipingan ng lalaking mayroong binhi ng pakikiapid, ay maliligo sila kapuwa sa tubig, at magiging karumaldumal sila hanggang sa hapon.

  16. At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo, ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw: at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  17. At bawa't kaniyang kahigaan sa panahon ng kaniyang karumihan, ay magiging karumaldumal: bawa't din namang kaupuan niya ay magiging karumaldumal.

  18. At sinomang humipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  19. At ang sinomang humipo ng alin mang bagay na kaniyang kaupuan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  20. At kung may nasa higaan o nasa anomang bagay na kinaupuan niya, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon ang humipo niyaon.

  21. At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa kaniya, at mapasa lalake ang karumihan niya, ay magiging karumaldumal ito na pitong araw; at bawa't higaang kaniyang hihigaan ay magiging karumaldumal.

  22. At kung ang isang babae ay agasan ng kaniyang dugo ng maraming araw sa di kapanahunan ng kaniyang karumihan, o kung agasan sa dako pa roon ng panahon ng kaniyang karumihan; buong panahon ng agas ng kaniyang karumalan ay magiging para ng mga araw ng kaniyang karumihan: siya'y karumaldumal nga.

  23. Bawa't higaan na kaniyang hinihigan buong panahon ng kaniyang agas, ay magiging sa kaniya'y gaya ng higaan ng kaniyang karumihan; at bawa't bagay na kaniyang kaupuan, ay magiging karumaldumal, na gaya ng karumalan ng kaniyang karumihan.

  24. At sinomang humipo ng mga bagay na yaon ay magiging karumaldumal, at maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

  25. Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya.