Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Psalms: Intercessional Psalms

40 talata · 16 aspeto

Mga talata tungkol sa Intercessional Psalms

  1. Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;

  2. Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;

  3. Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)

  4. Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.

  5. Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.

  6. Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.

  7. Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.

  8. Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.

  9. Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

  10. Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)

  11. Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.

  12. Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

  13. Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)

  14. Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.

  15. Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.

  16. Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.

  17. Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.

  18. Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;

  19. Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:

  20. Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.

  21. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.

  22. Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.

  23. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.

  24. Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.

  25. Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.