Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Afflictions and Adversities: Despondency in

28 talata · 5 aspeto

Mga talata tungkol sa Despondency in

Salain ayon sa aklat
  1. Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.

  2. Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.

  3. Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.

  4. Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.

  5. Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?

  6. Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.

  7. Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.

  8. Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.

  9. Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.

  10. Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?

  11. Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.

  12. Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.

  13. Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:

  14. Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.

  15. Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?

  16. Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;

  17. Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.

  18. Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,

  19. Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.

  20. Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:

  21. Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.

  22. Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?

  23. Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.

  24. Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.

  25. Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?