Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon,

  2. At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,

  3. Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?

  4. Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.

  5. Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan.

  6. Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa.

  7. Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,

  8. Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.

  9. Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,

  10. Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig,

  11. Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,

  12. Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.

  13. Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?

  14. O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya?

  15. Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan.

  16. Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.

  17. Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.

  18. Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko?

  19. Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.

  20. Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.

  21. Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,

  22. Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil.

  23. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita; ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.

  24. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,

  25. At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.