Lumaktaw sa nilalaman

Caleb

30 talata · 6 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Caleb

Salain ayon sa aklat
  1. Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail: at ang babae ay matalino, at may magandang pagmumukha; nguni't ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa; at siya'y supling sa sangbahayan ni Caleb.

  2. At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.

  3. Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.

  4. At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez.

  5. Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone.