Lumaktaw sa nilalaman

Mga Awit130

Isang Daing mula sa Kalaliman

1
Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.

Ang Kapatawaran ang Saligan ng Pag-asa

3
Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
4
Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.

Matiyagang Paghihintay sa Salita ng Diyos

5
Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6
Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.

Pag-asa at Katubusan para sa Israel

7
Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8
At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.
Use arrow keys to navigate
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options