Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tithe

46 talata · 20 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

  2. At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.

  3. At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.

  4. At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.

  5. At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.

  6. Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos.

  7. At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

  8. At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

  9. Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

  10. Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

  11. Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.

  12. At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.

  13. Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.

  14. At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:

  15. At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios.

  16. Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay:

  17. Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.

  18. Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain.

  19. Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

  20. At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

  21. At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

  22. Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

  23. At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

  24. At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.

  25. Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: