Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Olive Tree

40 talata · 35 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.

  2. Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, nguni't hindi ka iinom ng alak.

  3. Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:

  4. Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.

  5. Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang.

  6. At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.

  7. At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?

  8. At nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,

  9. Datapuwa't kung ang ilang mga sanga'y nangabali, at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;

  10. Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.

  11. Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.

  12. Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?

  13. Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.

  14. At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

  15. Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.