Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Oak Tree

21 talata · 16 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.

  2. At namatay si Debora na yaya ni Rebeca, at nalibing sa paanan ng Bethel, sa ilalim ng encina, na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth.

  3. At sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, at inilagay sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.

  4. At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.

  5. At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.

  6. At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David. At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula, at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina, at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina, at siya'y nabitin; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy.

  7. At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab, at sinabi, Narito, aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina.

  8. Nang magkagayo'y sinabi ni Joab, Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo. At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom, samantalang siya'y buhay pa sa gitna ng ensina.

  9. At kaniyang sinundan ang lalake ng Dios, at nasumpungan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng encina: at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ba ang lalake ng Dios na nanggaling sa Juda? At sinabi niya, Ako nga.

  10. Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig, at kinuha ang bangkay ni Saul, at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak, at dinala sa Jabes, at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nangagayunong pitong araw.

  11. Sapagka't kanilang ikahihiya ang mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa mga halamanan na inyong pinili.

  12. Sapagka't kayo'y magiging parang encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig.

  13. At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan;

  14. At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.

  15. Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.

  16. Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?

  17. At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan.

  18. Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim.

  19. Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya.

  20. Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.

  21. Manambitan ka, Oh puno ng abeto, sapagka't ang cedro ay nabuwal, sapagka't ang mga mabuti ay nabuwal; magsipanambitan kayo, Oh mga encina sa Basan, sapagka't ang matibay na gubat ay nasira.