Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Betrayal

31 talata · 4 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.

  2. At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.

  3. At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.

  4. At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan.

  5. Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.

  6. Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?