Lumaktaw sa nilalaman

Uzziah

33 talata · 4 kapamilya

Kilala rin bilang: Azariah, Ozias

Mga talatang bumabanggit kay Uzziah

Salain ayon sa aklat
  1. ¶ Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni Uzias, ni Jotham, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda.

  2. Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.

  3. At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon.

  4. ¶ Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.

  5. ¶ Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol.

  6. At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.

  7. At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias;

  8. At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias;