Lumaktaw sa nilalaman

God

11,427 talata · 2 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay God

Salain ayon sa aklat
  1. Sapagka't sinabi niya sa Juda, Itayo natin ang mga bayang ito, at gawan sa palibot ng mga kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang-bayan, at ng mga halang; ang lupain ay nasa harap pa natin, sapagka't ating hinahanap ang Panginoon nating Dios; ating hinanap siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako. Sa gayo'y kanilang itinayo at nagsiginhawa.

  2. At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo.

  3. Sa gayo'y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas.

  4. At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopa't sila'y hindi makabawi, sapagka't sila'y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at sila'y nagsipagdala ng totoong maraming samsam.

  5. At kanilang sinaktan ang lahat na bayan sa palibot ng Gerar; sapagka't sila'y naratnan ng takot sa Panginoon; at kanilang sinamsaman ang lahat na bayan; sapagka't maraming nasamsam sa kanila.

  6. At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:

  7. At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo.

  8. Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

  9. Nguni't nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at hinanap nila siya, siya'y nasumpungan nila.

  10. At sila'y nagkapangkatpangkat, bansa laban sa bansa, at bayan laban sa bayan: sapagka't niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian.

  11. At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon.

  12. At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya.

  13. At sila'y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa.

  14. At sila'y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, ng kanilang buong puso, at ng kanilang buong kaluluwa.

  15. At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae.

  16. At sila'y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga patunog.

  17. At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa: sapagka't sila'y nagsisumpa ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang nasa; at siya'y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.

  18. At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at yaon mang kaniyang itinalaga, na pilak, at ginto, at mga sisidlan.

  19. Nang magkagayo'y kumuha si Asa ng pilak, at ginto sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at nagsugo kay Ben-adad, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na ipinasasabi,

  20. At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si Hanani na tagakita, at nagsabi sa kaniya, Sapagka't ikaw ay nagtiwala sa hari sa Siria, at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kaya't ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay.

  21. Hindi ba ang mga taga Etiopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo, na may mga karo at mangangabayo na totoong marami? gayon ma'y sapagka't ikaw ay nagtiwala sa Panginoon, ibinigay sila sa iyong kamay.

  22. Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya. Ikaw ay gumawang may kamangmangan; sapagka't mula ngayo'y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma.

  23. At nang ikatatlong pu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.

  24. At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat, sapagka't siya'y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David, at hindi hinanap ang mga Baal;

  25. Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama, at lumakad sa kaniyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel.