Lumaktaw sa nilalaman

Gilead

11 talata · 11 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Gilead

  1. Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita.

  2. Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita;

  3. Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga anak na babae ni Salphaad, na anak ni Hepher, na anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ni Manases, na anak ni Jose; at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, at Hogla, at Milca, at Tirsa.

  4. At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ng mga anak ni Jose, ay nagsilapit, at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel:

  5. At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.

  6. Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.

  7. At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae.

  8. At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.

  9. At sinakop ni Gesur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.

  10. Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad.

  11. At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases.