Lumaktaw sa nilalaman

Mga Awit116

Pagpapahayag ng Pag-ibig sa PANGINOON

1
Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
2
Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.

Paggunita sa Kapighatian at Taimtim na Panalangin

3
Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4
Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.

Pagpapahayag ng Awa at Katuwiran ng Diyos

5
Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.
6
Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7
Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8
Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9
Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.

Pagsubok sa Pananampalataya sa Gitna ng Kapighatian

10
Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:
11
Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.

Pagtupad sa mga Panata at Pampublikong Pagsamba

12
Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13
Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15
Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16
Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.
17
Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19
Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.
Use arrow keys to navigate
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Reading Width 45 chars

Options