Lumaktaw sa nilalaman

Job25

Ang Maikli at Huling Pananalita ni Bildad

1
Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,

Ang Ganap na Paghahari ng Diyos

2
Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako.
3
May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag?

Ang Karumihan ng Sangkatauhan

4
Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
5
Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
6
Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!
Use arrow keys to navigate
Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Reading Width 45 chars

Options