Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tribe Of Benjamin: Furnished the first king to Israel

6 talata · 35 aspeto

Mga talata tungkol sa Furnished the first king to Israel

  1. Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi,

  2. Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.

  3. At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.

  4. Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;

  5. At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel.

  6. Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya'y magpasimulang maghari sa Israel, at siya'y naghari na dalawang taon. Nguni't ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David.