Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Tribe Of Simeon

50 talata · 21 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagka't narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon.

  2. Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.

  3. Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko; Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao: At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka.

  4. Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis; At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik. Aking babahagihin sila sa Jacob. At aking pangangalatin sila sa Israel.

  5. Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

  6. Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

  7. Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.

  8. At yaong tatayo sa siping niya ay ang lipi ni Simeon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

  9. At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan:

  10. Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon:

  11. Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

  12. Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan.

  13. Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

  14. Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan;

  15. At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.

  16. At ang watawat ng kampamento ng Ruben ay sumulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisur na anak ni Sedeur.

  17. At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Simeon si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

  18. Sa lipi ni Simeon, ay si Saphat na anak ni Huri.

  19. At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.

  20. Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.

  21. Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita;

  22. Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.

  23. Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan.

  24. At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.

  25. Ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim, upang basbasan ang bayan, pagka inyong naraanan na ang Jordan; ang Simeon, at ang Levi, at ang Juda, at ang Issachar at ang Jose, at ang Benjamin: