Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Thanksgiving: For the grace bestowed on others

8 talata · 57 aspeto

Mga talata tungkol sa For the grace bestowed on others

  1. Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;

  2. Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,

  3. Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,

  4. Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

  5. Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,

  6. Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,

  7. Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio,

  8. Na ito'y dumating sa inyo; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan;