Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Shaphan

12 talata · 3 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote, at kay Ahicam na anak ni Saphan, at kay Achbor na anak ni Michaia, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na sinasabi,

  2. At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda, na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan.

  3. At ang hari ay nagutos kay Hilcias, at kay Ahicham na anak ni Saphan, at kay Abdon na anak ni Micha, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na kaniyang sinasabi,

  4. Nguni't ang kamay ni Ahicam na anak ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.

  5. Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan, at ni Gemarias na anak ni Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,

  6. Sila'y nangagsugo, at kinuha si Jeremias sa looban ng bantay, at kanilang ipinagbilin siya kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na kaniyang iuwi siya. Sa gayo'y tumahan siya sa gitna ng bayan.

  7. Samantala ngang hindi pa siya bumabalik. Bumalik ka nga, sabi niya, kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia sa mga bayan ng Juda, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan, o pumaroon ka kung saan mo inaakalang mabuting pumaroon. Sa gayo'y binigyan siya ng kapitan ng bantay ng pagkain at kaloob, at pinayaon siya.

  8. At si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalake, na sinasabi, Huwag kayong mangatakot na magsipaglingkod sa mga Caldeo; kayo'y magsitahan sa lupain, at magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.

  9. Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab, at sa gitna ng mga anak ni Ammon, at sa Edom, at ng nangasa lahat ng lupain, na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda, at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan:

  10. Nang magkagayo'y tumindig si Ismael na anak ni Nethanias, at ang sangpung lalake na kasama niya, at sinugatan ng tabak, si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, at pinatay siya, na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia.

  11. Ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga anak na babae ng hari, at bawa't tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, at si Jeremias na propeta, at si Baruch na anak ni Nerias:

  12. At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.