Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Ruth

48 talata · 8 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At sila'y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab; ang pangalan ng isa'y Orpha, at ang pangalan ng isa'y Ruth: at sila'y tumahan doon na may sangpung taon.

  2. Nang magkagayo'y bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siya'y bumalik mula sa lupain ng Moab: sapagka't kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa pagbibigay sa kanila ng tinapay.

  3. At siya'y umalis sa dakong kaniyang kinaroroonan, at ang kaniyang dalawang manugang na kasama niya: at sila'y yumaon upang bumalik sa lupain ng Juda.

  4. At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang, Kayo'y yumaon, na bumalik ang bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina: gawan nawa kayo ng magaling ng Panginoon, na gaya ng inyong ginawa sa mga namatay at sa akin.

  5. Ipagkaloob nawa ng Panginoon na kayo'y makasumpong ng kapahingahan, bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang asawa. Nang magkagayo'y kaniyang hinagkan sila; at inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak.

  6. At sinabi nila sa kaniya, Hindi, kundi kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan.

  7. At sinabi ni Noemi, Kayo'y magsibalik, mga anak ko: bakit kayo'y yayaong kasama ko? may mga anak pa ba ako sa aking tiyan, na magiging inyong mga asawa?

  8. Kayo'y magsibalik, mga anak ko, magpatuloy kayo ng inyong lakad; sapagka't ako'y totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa. Kung aking sabihin, Ako'y may pagasa, kung ako'y magkaasawa man ngayong gabi, at ako'y magkakaanak man;

  9. Maghihintay kaya kayo hanggang sa sila'y lumaki? magbabawa kaya kayo na magkaasawa? huwag, mga anak ko: sapagka't daramdamin kong mainam dahil sa inyo, sapagka't ang kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin.

  10. At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan; nguni't si Ruth ay yumakap sa kaniya.

  11. At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; bumalik kang sumunod sa iyong hipag.

  12. At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:

  13. Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin.

  14. At nang makita ni Noemi na mapilit ng pagsama sa kaniya, ay tumigil ng pagsasalita sa kaniya.

  15. Sa gayo'y yumaon silang dalawa hanggang sa sila'y dumating sa Bethlehem. At nangyari, nang sila'y dumating sa Bethlehem, na ang buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito ba'y si Noemi?

  16. Sa gayo'y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at sila'y nagsidating sa Bethlehem sa pasimula ng pagaani ng sebada.

  17. At siya'y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech.

  18. At, narito, si Booz ay nanggaling sa Bethlehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.

  19. Nang magkagayo'y sinabi ni Booz sa kaniyang lingkod na kaniyang katiwala sa mga mangaani, Sinong babae ito?

  20. At ang lingkod na katiwala sa mga mangaani ay sumagot at nagsabi, Siya'y babaing Moabita na bumalik na kasama ni Noemi na mula sa lupain ng Moab:

  21. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyong pamulutin mo ako, at papagtipunin sa likuran ng mga mangaani sa gitna ng mga bigkis. Sa gayo'y naparoon siya at nagpatuloy, sa makatuwid baga'y mula sa umaga hanggang ngayon, liban sa siya'y nagpahingang sangdali sa bahay.

  22. Nang magkagayo'y sinabi ni Booz kay Ruth, Di mo ba naririnig, anak ko? Huwag kang mamulot sa ibang bukid, o lumagpas man dito, kundi manahan ka ritong malapit sa piling ng aking mga alilang babae.

  23. Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang inaanihan, at sumunod ka sa kanila; di ba ibinilin ko sa mga bataan na huwag ka nilang gagalawin? At pagka ikaw ay nauuhaw, pumaroon ka sa mga banga, at uminom ka sa inigib ng mga bataan.

  24. Nang magkagayo'y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa, at nagsabi sa kaniya, Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako, dangang ako'y taga ibang lupa?

  25. At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una.