Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Punishments

133 talata · 47 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.

  2. Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.

  3. At nangyari, na pagkaraan ng tatlong buwan, humigit kumulang, ay naibalita kay Juda, na sinasabi, Ang iyong manugang na si Thamar ay nagpatutot; at, narito, siya'y buntis sa pakikiapid. At sinabi ni Juda, Siya'y ilabas upang sunugin.

  4. Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.

  5. At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom.

  6. Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa,

  7. Datapuwa't kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at naisumbong na sa may-ari at hindi niya kinulong, na ano pa't makamatay ng isang lalake, o isang babae: ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin.

  8. Kung siya'y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya.

  9. O kung kilala, na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at hindi kinulong ng may-ari; ay tunay ngang magbabayad siya, ng baka kung baka, at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili.

  10. Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa.

  11. Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay.

  12. Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamataytao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.

  13. Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng ibayo.

  14. Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,

  15. O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan.

  16. Bukod dito'y sasabihin mo rin sa mga anak ni Israel, Sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa Israel, na magbigay ng kaniyang binhi kay Moloch; ay papataying walang pagsala; siya'y babatuhin ng mga bato ng mga tao ng lupain.

  17. At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina, ay kasamaan; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo.

  18. Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.

  19. At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.

  20. At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya.

  21. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento.

  22. At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

  23. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.

  24. Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin.

  25. At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote.