Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Manna

57 talata · 44 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.

  2. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.

  3. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.

  4. Ako ang tinapay ng kabuhayan.

  5. Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.

  6. Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.

  7. Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.