Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Liberality

149 talata · 55 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.

  2. Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

  3. At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

  4. Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.

  5. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

  6. At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;

  7. At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

  8. Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;

  9. Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.

  10. At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.

  11. At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

  12. Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

  13. At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;

  14. At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

  15. At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:

  16. At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.

  17. At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;

  18. Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;

  19. Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang lambong ng tabing;

  20. Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog;

  21. Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang langis na pangilawan;

  22. At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;

  23. Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng salang tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;

  24. Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;

  25. Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;