Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Death: Of the wicked

48 talata · 6 aspeto

Mga talata tungkol sa Of the wicked

Salain ayon sa aklat
  1. Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa,

  2. Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?

  3. Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?

  4. Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?

  5. Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik:

  6. Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.

  7. At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.

  8. Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod.

  9. Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.

  10. Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,

  11. Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.

  12. Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.

  13. Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.

  14. Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.

  15. Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo.

  16. Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.

  17. Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.

  18. Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.

  19. Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.

  20. Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.

  21. Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.

  22. Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag.

  23. Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay.

  24. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.

  25. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag.