Skip to content

Pharez

15 talata · 8 kapamilya

Kilala rin bilang: Phares, Perez

Mga talatang bumabanggit kay Pharez

  1. At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? kaya't tinawag ang pangalan niyang Phares.

  2. At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.

  3. At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.

  4. At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.

  5. At ang iyong sangbahayan ay maging gaya ng sangbahayan ni Phares, na ipinanganak ni Thamar kay Juda, sa binhi na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa batang babaing ito.

  6. Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni Phares si Hesron;

  7. At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.

  8. Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.

  9. Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.

  10. Si Urai, na anak ni Amiud, na anak ni Omri, na anak ni Imrai, na anak ni Bani, sa mga anak ni Phares na anak ni Juda.

  11. Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.

  12. At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.

  13. Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.

  14. At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram;

  15. Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,