Skip to content

Darius

8 talata · 1 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Darius

  1. At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.

  2. Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa, na doroon sa buong kaharian;

  3. Nang magkagayo'y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari, at nagsabi ng ganito sa kaniya, Haring Dario, mabuhay ka magpakailan man.

  4. Kaya't ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario.

  5. Nang magkagayo'y sumulat ang haring Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na tumatahan sa buong lupa; Kapayapaa'y managana sa inyo.

  6. Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga Persia.

  7. Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;

  8. At tungkol sa akin, nang unang taon ni Dario na taga Media, ako'y tumayo upang patibayin at palakasin siya.