Skip to content
Ezra 2:1-34

Ezra 2:1-34

Ang mga Nagbalik at ang Kanilang mga Pinuno

1
Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;
2
Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito:

Talaan ng mga Karaniwang Israelita

3
Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.
4
Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.
5
Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu't lima.
6
Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing dalawa.
7
Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
8
Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu't lima.
9
Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.
10
Ang mga anak ni Bani, anim na raan at apat na pu't dalawa.
11
Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't tatlo.
12
Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu't dalawa.
13
Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim.
14
Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu't anim.
15
Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu't apat.
16
Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.
17
Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo.
18
Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa.
19
Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
20
Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu't lima.
21
Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu't tatlo.
22
Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim.
23
Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.
24
Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu't dalawa.
25
Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.
26
Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa.
27
Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.
28
Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo.
29
Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa.
30
Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim.
31
Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
32
Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.
33
Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima.
34
Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

See also

Where else Scripture says this.

  • 2 Mga Hari 24:14

    At kaniyang dinala ang buong Jerusalem, at ang lahat na prinsipe, at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang, sa makatuwid baga'y sangpung libong bihag, at ang lahat na manggagawa at mangbabakal; walang nalabi liban sa mga pinakadukha sa bayan ng lupain.
    from verse 1
  • 2 Mga Hari 24:16

    At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo, lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma, ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari.
    from verse 1
  • 2 Mga Hari 25:11

    At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.
    from verse 1
  • Nehemias 7:6

    Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;
    from verse 1
  • Nehemias 7:73

    Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.
    from verse 1
  • Hagai 1:12

    Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
    from verse 2
  • Hagai 1:14

    At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,
    from verse 2
  • Hagai 2:4

    Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
    from verse 2
  • Nehemias 7:7

    Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:
    from verse 2
  • Ezra 8:3

    Sa mga anak ni Sechanias: sa mga anak ni Pharos, si Zacarias; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu.
    from verse 3
  • Nehemias 7:11

    Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo.
    from verse 6
  • Ezra 8:13

    At sa mga anak ni Adonicam, na siyang mga huli: at ang mga ito ang kanilang mga pangalan: Eliphelet, Jeiel, at Semaias, at kasama nila ay anim na pung lalake.
    from verse 13

Where this happens

Settings

Reading Style

Typeface

Font Size 19px

Options