Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Zoar: Not destroyed with Sodom and Gomorrah

5 talata · 4 aspeto

Mga talata tungkol sa Not destroyed with Sodom and Gomorrah

  1. Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.

  2. At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.

  3. Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.

  4. Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.

  5. At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae.