Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Punishment of the Wicked: Iniquity

7 talata · 57 aspeto

Mga talata tungkol sa Iniquity

  1. At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila, nguni't hindi nila dininig.

  2. Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.

  3. Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

  4. Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.

  5. Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya.

  6. Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

  7. Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan.