Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Lot

34 talata · 9 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.

  2. Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.

  3. Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.

  4. Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak.

  5. Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.

  6. At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

  7. Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

  8. Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.

  9. Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.