Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tabernacle

465 talata · 94 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.

  2. Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.

  3. ¶ At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,

  4. At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

  5. Ganito ihihiwalay ninyo ang mga anak ni Israel sa kanilang karumalan; upang huwag mangamatay sa kanilang karumalan, kung kanilang ihawa ang aking tabernakulo na nasa gitna nila.

  6. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.

  7. Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa:

  8. At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan,

  9. At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.

  10. At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon, at itutubos sa ito; at kukuha ng dugo ng toro, at ng dugo ng kambing, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot.

  11. At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri, at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel.

  12. At pagkatapos matubos niya ang dakong banal, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana, ay ihahandog ang kambing na buhay:

  13. At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan:

  14. ¶ At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

  15. Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.

  16. At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

  17. Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.

  18. Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.

  19. At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

  20. At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

  21. At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

  22. Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.

  23. Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.

  24. At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.

  25. Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo: