Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tabernacle: Made of the free-will offerings of the people

19 talata · 94 aspeto

Mga talata tungkol sa Made of the free-will offerings of the people

  1. At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

  2. Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.

  3. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

  4. At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;

  5. At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

  6. Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;

  7. Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.

  8. At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.

  9. At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

  10. Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

  11. At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.

  12. At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.

  13. At bawa't taong may kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.

  14. Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.

  15. At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.

  16. At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.

  17. At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;

  18. At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.

  19. Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.