Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Quotations and Allusions: Romans 9:33, »Behold, I lay in Zion a stumbling-stone...«

6 talata · 252 aspeto

Mga talata tungkol sa Romans 9:33, »Behold, I lay in Zion a stumbling-stone...«

  1. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.

  2. At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.

  3. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang naniniwala ay hindi magmamadali.

  4. Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.

  5. Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

  6. Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok;