Mga talata sa Bibliya tungkol sa Quotations and Allusions: Romans 3:15, »Their feet are swift to shed blood...«
Mga talata tungkol sa Romans 3:15, »Their feet are swift to shed blood...«
Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;
Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;