Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Quotations and Allusions: Matthew 21:42, »The stone which the builders rejected...«

6 talata · 252 aspeto

Mga talata tungkol sa Matthew 21:42, »The stone which the builders rejected...«

  1. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.

  2. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

  3. Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

  4. Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;

  5. Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali. Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?

  6. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.