Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Quotations and Allusions: Acts 7:40, »Make us gods to go before us...«

8 talata · 252 aspeto

Mga talata tungkol sa Acts 7:40, »Make us gods to go before us...«

  1. At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya.

  2. At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin.

  3. At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron.

  4. At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.

  5. At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.

  6. At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.

  7. Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.

  8. At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.