Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Phylactery

10 talata · 2 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto.

  2. At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto.

  3. Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:

  4. At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

  5. At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;

  6. At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

  7. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.

  8. At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.

  9. Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.

  10. Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,