Lumaktaw sa nilalaman

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Miraculous Gifts of the Holy Spirit: Foretold

5 talata · 17 aspeto

Mga talata tungkol sa Foretold

  1. Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.

  2. Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.

  3. Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang.

  4. At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

  5. At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.