Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Meekness: General references

92 talata · 29 aspeto

Mga talata tungkol sa General references

Salain ayon sa aklat
  1. Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.

  2. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya.

  3. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

  4. Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.

  5. Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik,

  6. Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)

  7. Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.

  8. Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.

  9. Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.

  10. Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.

  11. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.

  12. Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.

  13. Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.

  14. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.

  15. Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.

  16. Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.

  17. Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.

  18. Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob.

  19. Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

  20. Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

  21. At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.

  22. Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.

  23. Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.

  24. Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.

  25. Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?