Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Hagar

10 talata · 2 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:

  2. At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,

  3. At si Misma, at si Duma, at si Maasa,

  4. At si Hadad, at si Tema, si Jetur, si Naphis, at si Cedema:

  5. At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab.

  6. At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.

  7. At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo.

  8. Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.

  9. Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.

  10. Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.