Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Despondency

79 talata · 1 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

Salain ayon sa aklat
  1. At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak.

  2. Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol?

  3. At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa:

  4. At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.

  5. Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.

  6. Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.

  7. At si Job ay sumagot, at nagsabi,

  8. Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.

  9. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.

  10. Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.

  11. Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.

  12. Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.

  13. Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.

  14. Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:

  15. Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.

  16. Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?

  17. Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?

  18. Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:

  19. Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;

  20. O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:

  21. O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.

  22. Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.

  23. Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.

  24. Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.

  25. Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;