Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Animals: Clean and unclean

26 talata · 25 aspeto

Mga talata tungkol sa Clean and unclean

Salain ayon sa aklat
  1. Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

  2. Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

  3. Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

  4. At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

  5. Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

  6. At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

  7. At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

  8. At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

  9. Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.

  10. Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;

  11. At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

  12. At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;

  13. At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

  14. Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;

  15. At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;

  16. At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

  17. At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.

  18. Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.

  19. At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:

  20. Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

  21. At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.

  22. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.

  23. At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

  24. Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

  25. Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat: