Mga talata sa Bibliya tungkol sa Animals: Instincts of
Mga talata tungkol sa Instincts of
Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,
Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.