Skip to content

Mga talata sa Bibliya tungkol sa Abinadab

10 talata · 4 aspeto

Mahahalagang talata sa Bibliya

  1. At ang mga lalake sa Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon.

  2. At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka't naging dalawang pung taon; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon.

  3. Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay Merab, at ang pangalan ng bata ay Michal:

  4. Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.

  5. At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka: at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay, at ang kasunod niya ay si Abinadab, at ang ikatlo ay si Samma.

  6. At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Melchisua, na mga anak ni Saul.

  7. At kanilang inilagay ang kaban ng Dios sa isang bagong karo, at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa burol: at si Uzza at si Ahio, na mga anak ni Abinadab, ay siyang nagpatakbo ng bagong karo.

  8. At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab, na nasa burol, pati ng kaban ng Dios: at si Ahio ay nagpauna sa kaban.

  9. Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon:)

  10. At kanilang dinala ang kaban ng Dios na nakasakay sa isang bagong karo, at inilabas sa bahay ni Abinadab: at pinalakad ni Uzza at ni Ahio ang karo.