Skip to content

Sea

12 verses · 2 known names

Kilala rin bilang: Great Sea

33.2400, 33.4700 Tingnan sa Google Maps

Mga talatang bumabanggit kay Sea

  1. At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.

  2. At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor:

  3. Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.

  4. At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;

  5. At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

  6. Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.

  7. Narito, aking binahagi sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.

  8. At mangyayari, na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon: mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon, gaya ng isda sa malaking dagat, na totoong marami.

  9. At ito ang magiging hangganan ng lupain: Sa dakong hilagaan, mula sa malaking dagat, sa daang Hethlon, hanggang sa pasukan sa Sedad;

  10. At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades, sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. Ito ang timugang dako na gawing timugan.

  11. At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat, mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath. Ito ang dakong kalunuran.

  12. At sa tabi ng hangganan ng Gad, sa dakong timugan na gawing timugan, ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat.