Lumaktaw sa nilalaman

Jeroboam

81 talata · 4 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Jeroboam

Salain ayon sa aklat
  1. Gayon ma'y si Jeroboam na anak ni Nabat, na lingkod ni Salomon na anak ni David, ay tumindig, at nanghimagsik laban sa kaniyang panginoon.

  2. At ngayo'y inyong inaakalang daigin ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David; at kayo'y isang malaking karamihan, at mayroon kayong mga gintong guya, na ginawang mga dios sa inyo ni Jeroboam.

  3. Nguni't pinaligid sa likuran nila ni Jeroboam ang isang kawal na bakay: na anopa't sila'y nangasa harap ng Juda, at ang bakay ay nasa likuran nila.

  4. Nang magkagayo'y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda: at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda.

  5. At hinabol ni Abias si Jeroboam, at inagawan siya ng mga bayan, ang Beth-el pati ng mga nayon niyaon, at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon.

  6. Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias: at sinaktan siya ng Panginoon at siya'y namatay.