Skip to content

Hur

12 talata · 25 kapamilya

Mga talatang bumabanggit kay Hur

  1. Gayon ginawa ni Josue, gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya, at lumaban kay Amalec: at si Moises, si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol.

  2. Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.

  3. At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila.

  4. Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:

  5. At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;

  6. At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.

  7. At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.

  8. At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

  9. Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

  10. Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.

  11. At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem.

  12. Bukod dito'y ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at doo'y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan.