Mga talata sa Bibliya tungkol sa Shobal
Mahahalagang talata sa Bibliya
Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,
At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.
Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,
At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan.
Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana.
Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;
At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.
Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.
At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.